-- Advertisements --
Muling nagpalipad ng ilang short-range ballistic missiles sa karagatan ang North Korea.
Ayon South Korea military na nagbibigay lamang ito ng mensahe ilang araw bago ang pag-upo sa puwesto ni US President-elect Donald Trump.
Nangyari rin ang paglulunsad ng missile ng North Korea kasabay ng pagbisita sa South Korea ni Japanese Foreign Minister Takeshi Iwaya.
Dahil dito ay nananatiling nakaalerto ang military ng South Korea kung saan nagbabahagi sila ng mga impormasyon sa Japan at US.