-- Advertisements --

Muling nagpalipad ng mga lobo na may nakakabit na mga basura ang North Korea papuntang South Korea, ayon sa South’s Joint Chiefs of Staff.

Una nang inulit ng militar ng South Korea ang ’round-the-clock loudspeaker broadcast campaign’ nito noong Biyernes patungong North bilang ganti sa anilay kasuklam-suklam na aksyon ng Pyongyang na pagpapadala ng basura sa border.

Simula Mayo, nagsimula nang magpalipad ng libo-libong lobo na may nakakabit na bag ng basura ang Pyongyang na kung saan pinagmumulan ng tensyon ng dalawang panig.