Nabigo ang pinakabagong pagtatangka ng North Korea na maglagay ng isang spy satellite sa orbit, ilang buwan lamang matapos ang unang paglulunsad ng Pyongyang.
Ang nuclear-armed country ay naghahangad sana na mailagay ang magiging kauna-unahang military satellite nito sa orbit.
Ayon kay North Korean Leader Kim Jon Un, ang nasabing spy satellite ay isa sanang kinakailangang counterbalance sa lumalaking aktibidad ng militar ng US sa rehiyon.
Kaugnay niyan, ang paglulunsad ay nag-udyok ng isang emergency warning sa Japan, bago mag alas-kwatro ng umaga na kung saan, nag abiso ang awtoridad sa mga residente ng southernmost prefecture ng Okinawa na manatili sa loob ng kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan.
Humigit-kumulang 20 minuto kasunod ng alerto, sinundan ng Japanese government ang isang abiso na ang missle ay dumaan na patungo sa Pacific Ocean kasabay ng pagtaas nito ng emergency warning.
Una nang sinabi ni Japanese Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na ang paulit-ulit na paglulunsad ng missile ng North Korea ay banta sa regional security.