-- Advertisements --

Ibinunyag ng South Korea na nabigo ang North Korea sa paglunsad nila ng intercontinental ballistic missile (ICBM) nitong Huwebes ng umaga.

Ang nasabing missile test aniya ay bilang bahagi ng protesta ng North Korea sa patuloy na military drill ng US sa South Korea.

Tinawag kasi na “Vigilant Storm” ang joint exercises na nagsimula nitong Lunes at magtatapos ng Biyernes.

Kabilang sa nasabing drills ang 240 na figther jets at ilang libong mga sundalo ng US at South Korea.

Kinokontra ng North Korea ang nasabing drills dahil sa ito ay nagdagdag pa ng tensiyon sa Korean peninsula.

Nauna rito matagumpay na ipinalipad ng North Korea ang Hwasong-17 ballistic missiles noong Marso 24.