image 384

Nabigo ang North Korea na ilunsad ang military reconnaissance satellite niito ngayong araw, Mayo 31.

Ito ay matapos na bumagsak ang bagong satellite vehicle rocket na Chollima-1 sa West Sea matapos na hindi umandar dahil sa abnormal stratup ng makina sa 2nd stage ng rocket matapos humiwalay ang 1st stage sa kasagsagan ng normal flight.

Una rito, iniulat ng South Korean military na nagpakawala ang Pyongyang ng isang space projectile na nagbunsod ng emergency alerts sa South Korea at Japan ilang linggo lamang matapos ipag-utos ni North Korean leader Kim Jong Un sa mga opisyal na maghanda para sa paglulunsad ng kauna-unahang military reconnaissance satellite.

Ayon sa South korea Joint Chiefs of Staffs, nangyari ang rocket launch dakong 6:29 am kung saan dalawang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang raid siren sa South Korea at pinakalat ang text message na humihikayat sa mga residente na maghanda para sa evacuation at unahin na palikasin ang mga bata at matatanda.

Sinundan pa ito isa pang mensahe dakong 6:41 am kung saan nakasaad na ang naturang warnings ay “sent in error”.

Matatandaan na una ng inabisuhan ng North Korea ang Japan sa plano nitong maglunsad ng military satellite sa pagitan ng Mayo 31 at Hunyo 11 ng kasaukuyang taon.