-- Advertisements --

Ibinunyag ng US military na naghahanda ang North Korea ng panibagong missile test.

Ayon kay US Air Force General Glen VanHerck, na ibinase nito ang impormasyon sa pagpapakita ng North Korea ng kanilang mga bagong inter-continental ballistic missiles.

Patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon kung kailang ang petsa ng nasabing paglunsad ng missile.

Kung matuloy ito na ang unang pagkakataon na magpapakawala ang North Korea ng missile sa pamumuno ni US President Joe Biden.

Magugunitang noong panahon ni dating President Donald Trump ay makailang beses na nagsagawa ng missile test ang North Korea.