-- Advertisements --

Binatikos ng North Korea ang pagsisimula ng US at South Korea ng kanilang joint military exercises sa Korean Peninsula.

Ayon sa Pyongyang na ang ginawa ng US ay tila nais nilang gawing war zone ang Korean Peninsula.

Nagbanta pa ang North Korea na kanilang gagantihan ang ginawang ito ng South Korea at US.

Iginiit nila na hindi sila interesado sa anumang pag-uusap hanggang namamagitan ang US at ang polisiya nito ang ipagpipilitan na ipatupad.

Magugunitang matapos ang pagbisita sa South Korea ni US Defense Secretary Lloyd Austin ay dinagdagan nila ang puwersa ng US sa lugar.

Nagdagdag din sila ng mga fighter jets at aircraft carriers.