-- Advertisements --
Nagdesisyon ang North Korea na hindi sila sasali sa Tokyo Olympics dahil sa banta ng COVID-19.
Inilabas ang desisyon matapos ang ginawang pagpupulong ng Olympic committee ng North Korea noong Marso 25.
Sinabi ni Kim II Guk ang sports ministry ng North Korea na nais nilang protektahan ang kalusugan ng kanilang atleta kaya minabuti na nilang umatras sa pagsali sa Olympics.
Hinihintay pa ng International Olympic Committee (IOC) ang official application ng North Korea na ito ay umaatras na sa pagsali sa Olympics.
Nauna rito maraming mga Olympic qualifying games ang nakansela na rin dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa torneo na magsisimula sa Hulyo 23.