Pinangunahan ni North Korean leader Kim Jong Un ang dalawang araw ng military drills na “simulating a nuclear counterattack”.
Kabilang sa drills ay ang paglulunsad ng ballistic missile at iba pang malalakas na military weapons ng North Korea.
Nagpahayag si North Korean leader Kim ng katatagan sa mga pagsasanay na idinaos upang hayaan ang mga miltary units ng North Korea na maging pamilyar sa mga pamamaraan at proseso para sa pagpapatupad ng kanilang mga tactical nuclear attack missions.
Ang mga drills ay ang ika-apat nang pagpapakita ng puwersa mula sa Pyongyang sa panahon ng pagkakaroon ng “Freedom Shield” exercise na pinakamalaking joint military execrise ng US at South Korea sa loob ng limang taon.
Itinuturing kasi ng North Korea na ang lahat ng naturang mga pagsasanay sa pagitan ng US at South Korea ay isang war declaration.