Nagpakawala ang North Korea ng panibagong ballistic missile sa karagatan sa pagitan ng Korean peninsula at Japan, ayon sa mga militar ng South Korea.
Ito’y ilang oras lamang bago lumipad patungong Tokyo si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang isang rare summit.
Ang North Korea ay nagsagawa ng halos araw-araw na paglulunsad ng missile ngayong linggo sa gitna ng patuloy na joint military exercises ng South Korea at US na kinondena ng Pyongyang.
Sa isang pahayag, sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea na ang North ay naglunsad ng hindi kilalang uri ng ballistic missile mula sa silangang baybayin nito.
Pupunta si Yoon sa Japan para sa unang naturang summit kasama si Prime Minister Fumio Kishida sa loob ng mahigit isang dekada na kung saan bahagi ng pagpupulong ang pagsisikap na malampasan ang mga alitan sa pulitika at ekonomiya ng bansa.