-- Advertisements --

Nagpakawala ang North Korea ng 2 short-range ballistic missiles ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1.

Ayon sa South Korea’s Joint Chiefs of Staff, nadetect ang 2 ballistic missile nang halos magkasunod at 10 minuto lang ang pagitan.

Kasalukuyang tinutukoy ang specifications ng pinakawalang ballisitc missile ng North Korea.

Ito ang kinumpirma ng South Korean military, isang araw ito matapos magbabala ang Pyongyang sa fatal consequences kasunod ng malawakang joint exercises sa South Korea kasama ang Japan at US na tinawag ng North Korea na Asian version ng NATO.

Layunin ng 3 araw na Freedom Edge drills ng 3 bansa na isinagawa noong nakalipas na linggo ang paghahanda sa ballistioc missiles at air defense, anti submarine warfare at defensive cyber training.

Kung saan kasama sa pagsasanay ang nuclear-powered aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt ng Amerika, Tokyo’s guided-missile destroyer JS Atago at Seoul’s KF-16 fighter jet.