Nagpakawala ang North Korea ng long-range ballistic missile ngayong araw ng Lunes ayon sa South Korean military.
Ito ay wala pang 12 oras matapos ang naunang missile launch ng Pyongyang nitong gabi ng Linggo kasabay ng pagkondena nito sa show of force sa pangunguna ng US laban sa nuclear armed state.
Kasunod na rin ito ng pagdating ng nuclear-powered submarine sa South Korea kahapon.
Inilunsad ang naturang missile mula sa lugar malapit sa capital ng Pyongyang patungo sa karagatan ng North’s east coast.
Kinumpirma din ng Japan Defense Ministry na nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea at sinabi ng coast guard nito na bumagsak ang missile sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Hokkaido isang oras matapos ang missile launch.
Nagpahayag naman ng pagkondena ang South Korea sa missile launch ng North Korea bilang paglabag sa UN Security Council resolutions na nagbabawal sa paggamit ng ballistic missile technology. – EVERLY RICO