Nagpaputok ang North Korea ng dalawang ballistic missiles sa karagatan ng Japan , ayon sa Japan’s Defense Ministry.
Dagdag pa niya, lumalabas na ang dalawang missiles ay nahulog sa exclusive economic zone ng Japan at wala namang mga ulat ng pinsala sa mga aircrafts at ships.
Ang unang missile ay pinaputok bandang 6:59 a.m., umabot sa taas na humigit-kumulang 100 kilometro habang ang pangalawa ay pinaputok bandang 7:10 ng umaga, na umabot sa taas na humigit-kumulang 50 km.
Sa mismong araw din naglabas ng pahayag si Kim Yo Jong, kapatid ng Lider na si Kim Jong Un, nagbabala siya na ang bansa ay maaaring maglunsad ng mga missile sa Pacific Ocean.
Samantala, ang dalas ng paggamit ng Pacific bilang firing range, ay nakasalalay naman umano sa aksyon ng U.S. forces.
Una na rito, sinabi ng North Korea na nagpa-test-fired ito ng intercontinental ballistic missile bilang babala sa Washington at Seoul, sinasabing ang matagumpay na “surprise” drill ay nagpakita ng kapasidad ng Pyongyang na maglunsad ng “fatal nuclear counterattack”.
Bilang tugon, nagsagawa naman ng joint air drills ang United States at South Korea na tampok ang strategic bomber at stealth fighter jets.