-- Advertisements --
Nagpasya ang North Korea na hindi na sila makikibahagi sa Winter Olympics sa China.
Sa sulat ng nasabing bansa sa host country, isang dahilan nito ay ang pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19.
Maging ang ilang tinawag nitong “hostile forces” gaya ng US ay inakusahan ng North Korea na nagtangkang pigilan ang mga laro.
Hindi naman malinaw sa sulat ng Olympic Committee and Sports Ministry ng Ministry kung ang tinutukoy sa sulat ay ang kanilang atleta.
Magugunitang sinuspendi kasi ng International Olympic Committee (IOC) ang North Korea sa pagsali sa anumang torneo ng hanggang katapusan ng 2022.
Magugunitang bukod sa US ay nagbanta rin ang ilang mga bansa ng diplomatic boycott sa Winter Olympics na gaganapin sa Pebrero.