Nagsagawa ang North Korea ng GPS jamming attack sa dalawang magkasunod na araw na nakaapekto sa ilang barko at dose-dosenang civilian aircraft, ayon sa militar ng South Korea.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff, ikinasa ang jamming attacks sa North’s Haeju at Kaesong areas.
Dagdag pa, hindi naman naapektuhan ang military operations at equipment.
Noong Hunyo, umapela ang South Korea sa paulit-ulit na GPS jamming ng North Korea sa tatlong kinauukulang international agencies — ang International Telecommunication Union (ITU), ang International Civil Aviation Organization (ICAO) at ang International Maritime Organization (IMO) — humihiling ng mga nararapat na hakbang na dapat gawin para sa nakagagalit na aksyon.
Ang North Korea ay miyembro ng ITU, ICAO, at IMO.
Bilang tugon, pinagtibay ng ICAO ang isang desisyon ukol sa seryosong concerns sa North Korea dahil sa jamming ng GPS navigation signals.