-- Advertisements --

Ibinunyag ng South Korea na ‘fully operational’ na ang munitioins factory ng North Korea.

Sila umano ang nagsu-suplay ng mga armas at bala sa Russia na ginagamit laban sa Ukraine.

Sinabi ni South Korean Defense Minister Shin Won-sik na ang mga armas at military equipment ay kinabibilangan ng mga milyong rounds ng artillery shells na idine-deliver sa Russia kapalit ng mga pagkain at ilang mga gamit.

Mula noong Agosto ng nakaraang taon ay nakapag-ship na umano ang North Korea ng 6,700 containers sa Russia na naglalaman umano ng 3 milyong rounds ng 152 mm artillery shells o mahigit ng 500,000 rounds ng 122 mm multiple rocket launchers.

Una ng iniulat ng US State Department na mayroong 10,000 containers ang naideliver na ng North Korea ng mga munitions mula pa noong Setyembre.