-- Advertisements --

Nakapagtala na umano ang North Korea ng isang suspected na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa state news agency KCNA, ito raw ay isang indibidwal na umuwi sa bansa noong Hulyo 19.

Kaya naman, nagpatawag na umano ng emergency politburo meeting si North Korean leader Kim Jong Un sa ruling na Workers Party nitong Sabado.

Sinasabing tinalakay umano sa pulong ang “emergency event” na nangyari sa lungsod ng Kaesong. (Reuters)