Nagpadala ng lobo na may laman na basura, toilet paper, at dumi ng hayop ang North Korea sa teritoryo ng South Korea ayon sa mga ulat.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng Seoul, ilang unidentified objects na pinaniniwalaang nagmula sa North Korea ang nakita sa Gyeonggi-Gangwon border area.
Para sa military ng South Korea, isa itong low class actions at kasalukuyan na umano nila itong inaaksiyunan.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente na huwag na munang magkaroon ng outdoor activities at huwag lumapit sa mga unknown objects at i-report kaagad ito sa mga awtoridad.
Binigyang-diin din ng Joint Chiefs of Staff na nilalabag ng North Korea ang international law at isa umano itong banta sa kaligtasan at seguridad ng mga tao.
Dahil dito, hinimok nito ang North na agad itigil ang hindi makatao at low-class na aktibidad.