Ipinagmamalaki ng North Korea na isa lamang ito sa iilang bansa sa mundo na naglalagay ng mga field nuclear weapons at advanced missiles.
Sila rin daw ang tanging tumatayo sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sunod-sunod na missile tests.
Ang international na tensyon ay tumataas bunsod sa kamakailang serye ng North Korean ballistic missile test, mga aksyon na matagal nang ipinagbawal ng UN Security Council.
Ang Enero ay siyang tinatawag na record month ng naturang mga pagsubok, na may hindi bababa sa pitong paglulunsad, kabilang ang isang bagong uri ng “hypersonic missile” na kayang magmaniobra raw ng napakabilis.
Kabilang din sa mga test ay ang unang pagpapaputok mula noong 2017 ng isang Hwasong-12 intermediate-range ballistic missile, na may kakayahang tumama sa mga teritoryo ng US sa karagatang Pasipiko.
Ang isang pahayag mula sa Foreign Ministry ng North Korea ay nagsabi na ang isang serye ng mga pagsubok mula noong bagong taon ay kumakatawan sa “kahanga-hangang mga tagumpay” na nagpalakas sa “pagpigil sa digmaan” ng Hilagang Korea.
Binanggit din nito ang Hwasong-15, ang longest-range intercontinental ballistic missile (ICBM) na inilunsad ng North Korea, na hindi pa pinaputok mula noong unang pagsubok nito noong 2017, at pinaniniwalaang may saklaw na makapaghatid ng nuclear warhead kahit saan man sa Estados Unidos.