-- Advertisements --
Nanawagan ang North Korea ng imbestigasyon sa naganap na pang-aatake sa kanilang embassy sa Madrid.
Ayon sa North Korean Ministry of Foreign Affairs na naging madugo ang ginawang pag-lusob ng mga armadong kalalakihan sa kanilang mga staff.
Tinawag na isang paglabag sa kanilang mga soberanya at isa itong iligal na paraan.
Nais nilang malaman sa imbestigasyon na hindi ito kagagawan ng mga FBI at ilang anti-North Korea group.
Nilinaw naman ng Cheollima Civil Defense (CCD) ang secretive North Korean dissident group na hindi pag-atake ang kanilang ginawa at sa halip ay sila ay inimbitahan lamang sa lugar dahil sa sitwasyon sa Madrid embassy noong Pebrero 22.