Nanindigan ang North Korea na hindi magbabago ang kaniyang position sa nuclear talk kahit humirit pa ng pag-uusap ang US.
Sinabi ni North Korea, foreign minister Ri Yong Ho, na partial lifting lamang ng US sanctions ang kanilang hiling at hindi buo.
Dagdag pa nito na naging makatotohanan lamang ang North Korea sa kanilang proposals gaya ng complete decommissioning sa Yongbyon nuclear research center.
Ang nasabing proposal aniya ay isang pinakamalaking denuclearisation measure na kanilang maibibigay.
May malaking tulong aniya ang partial lifting ng sanctions para pangkabuhayan ng kanilang mamamayan.
Nauna rito nagtapos ng walang kompromiso ang ikalawang araw ng pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korea lider Kim Jong Un sa Vietnam.
Isa sa naging problema dito ayon kay Trump ay ang kahilingan ng North Korea ng tuluyang pagtanggal ng kanilang sanctions.
Tiniyak din ng US president sa kaniyang Japanese at South Korean counterparts na magpapatuloy pa rin ang gagawing pag-uusap nila ng North Korea.