-- Advertisements --
Tinawag ng North Korea na isang hindi makatarungang pagnanakaw ang ginawang pagkumpiska ng US ng kanlang cargo ship.
Ayon sa North Korea na ang ginawa ito ng US ay isang paglabag sa 2018 summit agreement nina US President Donald Trump at North Korea lider Kim Jong Un.
Isa rin itong uri ng pagpressure ng US sa North Korea.
Magugunitang kinumpiska ng US ang Wise Honest cargo ship noong 2018 dahil sa paglabag sa international sanctions gamit ang sasakyang pandagat para sa coal shipments.
Dahil sa dito ay patuoy ang panawagan ng North Korea sa US na kanilang ibalik ang kinumpiskang cargo vessel.