-- Advertisements --

Pinalawig umano ng North Korea ang kanilang planta ng mga armas na gumagawa ng missiles na ginagamit ng Russia laban sa Ukraine.

Ayon sa US na ang nasabing pasilidad ay nakakagawa ng KN-23 missiles o Hwasong-11A at KN-24 missiles (Hwasong-11B) ay matatagpuan sa pangalawang pinakamalaking lungsod sa North Korea ang Hamhung.

Palaging binibisita ni North Korean Leader Kim Jong Un ang planta para kaniyang matiyak na nakakagawa sila ng maraming missiles.

Una ng sinabi ng Ukraine na karamihang gamit ngayon ng Russia na missiles na tumatama sa kanila ay galing sa North Korea.

Magugunitang nagpadala na rin ang North Korea ng mga sundalo nito na sasama sa Russia para labanan ang Ukraine.