-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng United Nations ang patuloy na pagpapalago ng North Korea ng kanilang nuclear at ballistic missile programs.
Ayon sa UN Security Counicil na kinukuha pa ng North Korea ang kanilang teknolohiya sa ibang bansa.
Kahit na aniya na lumala na ang kagutuman sa nasbing bansa ay hindi pa rin humihinto sila sa paggawa ng mga nuclear at ballistic missiles.
Noong nakaraang taon kasi ay nagpatupad ng lockdown ang North Korea kaya pinagbawalang makapasok ang mga pagkain sa nasabing bansa na nagdulot ng malawakang kagutuman.
Nitong Hunyo ay sinabi ng kanilang lider na si Kim Jong un na nahaharap sa matinding kagutuman ang bansa nila at umaasa sila sa magiging ani ng kanilang magsasaka.