Pinasabog ng North Korea ang joint liaison office kung saan ginaganap ang pag-uusap nila ng South Korea.
Labis na nawasak ang apat na palapag na gusali na matatagpuan sa bayan ng Kaesong sa North Korean side ng demilitarized zone na naghihiwalay sa dalawang Korea.
Mula pa noong Enero 30 ay sarado na ang nasabing gusali dahil sa coronavirus pandemic at walang mga staff na nakatira doon.
Sinasabing isang dahilan ng pagpapasabog nila ay ang pagpapadala ng mga leaflets ng mga South Koreans na naglalabas ng kanilang galit sa North Korea.
Tinawag ng South Korea Presidential Blue House na isang pagta-traydor ang ginawang pagpasabog na ito ng North Korea.
Mahigpit na ring binabantayan ng South Korean Defense Ministry ang galaw ng North Korea’s armed forces at tiniyak nilang handa silang gumanti.