-- Advertisements --
Pinuri ng North Korea ang pahayag ng US na bukas sila sa panibagong nuclear negotiations.
Ayon kay North Korean diplomat Kim Myong Gil, na isang magandang balita ang muling pagpapakita ng US ng interest sa nasabing usapin.
Ikinatuwa din nito ang pagsibak ni Trump kay National Security Adviser John Bolton dahil ipinagpipilitan nito ang “Libya model” na unilateral denuclearization na puwede umano gawin sa North Korea.
Magugunitang hindi naging matagumpay ang nuclear negotiation nina Trump at North Korea lider Kim Jong Un noong Pebrero.