-- Advertisements --

Tinanggihan ng North Korea ang nasa tatlong milyong COVID-19 vaccines doses na gawa ng Sinovac.

Ang nasabing mga bakuna mula sa COVAX schemes.

Ayon sa health ministry ng North Korea na dapat ipamigay na lamang ang mga ito sa mahihirap na mga bansa.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tumanggi ang North Korea ng mga bakuna dahil noong Hulyo ay hindi nila tinanggap ang bakuna na gawa ng AstraZeneca.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Global Alliance for Vaccines and Immunization alliance isa sa organisasyon na nangunguna sa COVAX na patuloy pa rin silang makikipagtulungan sa gobyerno ng North Korea para labanan ang COVID-19.