-- Advertisements --
Tinaggihan ng North Korea ang donasyon na AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19 dahil umano sa negatibong side effects.
Ayon sa Institute for National Security Strategy (INSS) sa Seoul na konektado sa spy na hindi tatanggapin ng North Korea ang donasyon na AstraZeneca vaccine mula COVAX global vaccine distribution scheme.
Nauna ng naglaan ng halos dalawang milyong AstraZeneca doses ang COVAX global para sa North Korea noon pang Pebrero subalit naantala lamang ang pag-deliver.
Pinapaburan kasi ng North Korea ang bakuna na gawa ng Russia.