Tinangka ng North Korea na nakawin ang COVID-19 vaccine technology ng US pharmaceutical company na Pfizer.
Ayon sa South Korea National Intelligence Agency na isinagawa ng North Korea ang insidente sa pamamagitan ng computer hacking.
Noong nakaraang Enero 2020 ay agad na isinara ng North Korea ang kanilang border ng China kaya walang naitalang anumang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Kahit na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar ay tatangap ang nasabing bansa ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca-Oxford vaccine.
Magugunitang noong Nobyembre ay ibinunyag ng Microsoft na nasa siyam na health organization kabilang ang Pfizer ang tinarget ng mga state-backed hackers.
Kinabibilangan ito ng grupong Zinc and Cerium ng North Korea at Fancy Bear ng Russia.