-- Advertisements --
Umatras na ang North Korea sa qualifying match para sa 2022 World Cup sa Qatar.
Gaganapin sana ang nasabing torneo sa susunod na buwan.
Ayon sa Asian Football Confederation na walang anumang rason na ibinigay ang North Korea sa kanilang pag-atras.
Nauna ng iniulat ng South Korea na aatras ang North Korea sa torneo dahil sa banta ng COVID-19.
Napili bilang centralized venue host ng Group H kung saan nangunguna ang Turkmenistan.
Kasama sa Group H ang dalawang Korea, Lebanon at Sri Lanka.
Nasa pang-apat na puwesto ang North Korea sa Group H na mayroon pang tatlong laro sana bago ang pag-atras.