-- Advertisements --

Mahigpit na binalaan ng North Korean government ang mga mamamayang kabataan nito sa paggamit ng mga slang na pananalita at nararapat na gamitin ang kanilang lokal na lenguwahe.

Ang nasabing babala ay kasunod din ng pagbabala ng gobyerno sa paggaya sa mga fashions, hairstyles at musika ng mga South Korea.

Ito ang nasabing nilalaman ng bagong batas na naglalayong malayo ang mga kabataan sa impluwensiya mula sa ibang bansa.

Ang mga mahuhuling lalabag ay makukulong o mapaparusahan ng kamatayan.

Isa rito ang pagtawag ng mga kababaihan sa kaniyang asawa bilang “oppa” na ibig sabihin ay kuya pero karamihan ay tinutukoy itong bilang nobyo.