Iniulat ng KCNA state media na pinaghahandaan umano ni North Korean leader Kim Jong Un ang pakikipag-dayalogo at komprontasyon sa Estados Unidos.
Ito ang naging una at direktang komento ni Kim sa administrasyon ni US President Joe Biden.
Nagbigay si Kim ng detalyadong analysis may kaugnayan sa Biden administration’s North Korea policy sa isang plenaryong pagpupulong ng Workers’ Party’s central committee at naglatag nang tinawag niyang “appropriate strategic and tactical counteraction” sa kanilang pakikitungo sa Washington.
Binigyang diin ng general secretary ang pangangailangan na maghanda para sa parehong dayalogo at komprontasyon, upang maprotektahan ang dignidad daw ng kanilang estado at mga interes para sa malayang pag-unlad.
Ang mga nasabing hakbang umano ay makakatulong na matiyak ang kapayapaan at seguridad ng kanilang bansa.
Binigyang diin din nito ang paglikha ng “favorable external climate” bilang sariling inisyatibo ng North Korea.
Wala pang binigay na karagdagang detalye sa pinaplanong hakbang ng lider ng North Korea. (with reports from Bombo Jane Buna)