-- Advertisements --

Nagbabala si North Korean leader Kim Jong-un sa kaniyang mga mamamayan tungkol sa paparating na malakas na bagyo at ang coronavirus pandemic.

Sa madalang na paglabas nito sa publiko ng dumalo sa pagpupulong kaniyang partido, sinabi nito na dapat maging handa ang mga kababayan niya para sa nasabing bagyo.

Inaasahan kasi na tatama ang bagyong Bavi sa araw ng Biyernes.

Mahalaga rin aniya paghandaan ng mamamyaan ang coronavirus na tumama na sa buong mundo.

Ang nasabing paglabas nito sa publiko ay nagpapatunay aniya na ito ay nasa mabuting kalagayan.