-- Advertisements --

Nagbabala si North Korean leader Kim Jong Un na gagamit ito ng nuclear weapons sakaling atakihin sila ng South Korea.

Bagamat hindi na bago ang nasabing banta na ito ay naging lumala ang tensiyon matapos na ipakita ng North Korean lider ang mga nuclear weapons nito.

Dagdag pa nito na sakaling mangyari na ito ay tiyak na magiging permanente na hindi na makikilala sa buong mundo ang South Korea.

Ang nasabing komento na ito ni Kim ay matapos ang pahayag ni South Korean President Yoon Suk Yeol na handa silang tapatan ang nasabing mga armas nuclear ng North Korea.