-- Advertisements --
image 465

Hinimok ni North Korean leader Kim Jong Un ang kaniyang bansa na maging handa sa pagsasagawa ng posibleng nuclear attacks anumang oras para mapigilan ang posibleng giyera.

Inakusahan kasi ng North Korea ang Amerika at South korea ng pagpapalawig pa ng joint military drills kung saan kabilang dito ang nuclear assets ng Amerika.

Kasunod din ito ng pagpapalipad ng North Korea ng isang ballistic missile na mayroong mock nuclear warhead na may bilis na 800km o 497 miles bago tamaan ang target.

Ayon sa North korea layunin ng naturang execise na mapalakas ang war deterrence at nuclear counterattack capability ng kanilang bansa at para magpahayag ng babala sa mga kaalyado nito.