Sinibak ni North Korean leader Kim Jong Un ang ilang senior official matapos na makapagtala umano ng crucial coronavirus incident sa bansa na maituturing na paglabag sa ginagawang depensa ng bansa laban sa epidemya.
Ayon sa Korean Central News Agency, sinabi ni Kim sa isang pagpupulong na hindi nagawa ng mga opisyal ang kanilang tungkulin sa pagtiyak ng seguridad ng estado at ng mga mamamayan at nagdulot ito ng “crucial” incident na nagresulta ng mas malalang krisis.
Subalit nananatiling tikom ang bibig ng NoKor leader kung may mga naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa maging sa test statistics na isinumite sa WHO.
Ayon naman sa mga analyst, malinaw aniya ang ipinapakitang indikasyon ng pinakahuling development na mayroong infection ng sakit sa isolated na bansa.
Maaalala na noong Enero ng nakalipas na taon, isinara ang mga border ng Pyongyang upang proteksyunan ang mamamayan nito laban sa pagpasok ng deadly virus na pinaniniwalaang unang nagmula sa karatig bansa nito na China. (with reports from Bombo Everly Rico)