-- Advertisements --
Pinuri ng mga mamamayan ng North Korea ang pagiging malapit at matibay na pagkakaibigan ng kanilang leader na si Kim Jong-un kay Chinese President Xi Jinping.
Matapos kasi ang dalawang araw na state visit ni Xi sa Pyongyang ay maraming mga nabuong magagandang programa para sa dalawang bansa.
Ilan sa mga napag-usapan ng dalawa ang ay kalagayan sa Korean Peninsula at kapwa rin silang nagkasundo sa denuclearization.
Ang nasabing pagbisita ni Xi ay isang linggo bago ang pagkikita nila ni US President Donald Trump sa G20 Summit.