-- Advertisements --
KCNA
NoKor state media, Korean Central News Agency or KCNA file photo grab)

Mistulang nagbunyi maging ang North Korean state media sa makasaysayang muling pagkikita nina North Korean leader Kim Jong-un at US President Donald Trump sa DMZ o demilitarised zone.

Tinawag pa ng kanilang state media na “amazing” ang pangyayari lalo na at naganap daw ito 66 na taon makalipas ang tinatawag na Armistice agreement na nagtapos sa Korean War.

Kinumpirma rin sa naturang report ang naging deklarasyon ni Trump na magkakaroon ng masusing kumunikasyon ang magkabilang panig para sa produktibong dayalogo at negosasyon sa denuclearization ng Korean Peninsula.

Sinasabing dahil daw sa higpit ng kumunistang pamahalaan, ang mamamayan nila ay bibihirang magkaroon ng balita ukol sa kaganapan sa labas ng kanilang bansa.

Kaya naman maituturing daw na “extraordinary” para sa ordinaryong mamamayan ang ginawang extensive coverage ng state media sa pambihirang pangyayari kahapon sa border ng south at north o tinaguriang demilitarised zone.

“There happened such an amazing event of the top leaders of the DPRK and the US exchanging historic handshakes at Panmunjom, place that had been known as the symbol of division,” bahagi pa ng report ng Korean Central News Agency (KCNA).

trump kim dmz
North Korean leader Kim Jong Un and US President Donald Trump breakthrough meeting at Demilitarised Zone (DMZ)