-- Advertisements --
NLEX north luzon

Handa na para sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan kasabay ng pag-uwi ng ating mga kababayan sa kani-kanilang probinsiya o magtutungo sa Metro Manila para sa Pasko at Bagong taon.

Kaugnay nito, ayon kay NLEX Expressways senior traffic manager Robin Ignacio, itinigil na ang lahat ng mga kinumkumpuni sa mga kakalsadahan.

Bukas na din ang lahat ng driving lanes maliban sa southbound direction ng Candaba Viaduct habang may mga saradong lanes naman hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.

Nagdagdag na rin ng mga personnel na ipapakalat sa may NLEX dahil sa inaasahang bigat ng trapiko sa expressway ngayong holiday.

Ayon sa NLEX official na pumapalo ang average daily number ng mga sasakyan na bumabaybay sa NLEx ay nasa 280,000 at 60,000 naman sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Subalit noong December 16 hanggang Enero 3 holiday season, ang dami ng sasakyan ay inaasahang tataas pa ng hanggang 10% kada araw.

Inaasahan naman ang peak ng holiday traffic ay sa susunod na linggo sa Disyembre 23 mula hapon hanggang midnight ng December 29 at Lunes, Enero 2.

Hinimok naman ng opisyal ang mga motorista na huwag kaligtaan na i-install ang RFID sa kanilang sasakyan upang hindi na abutin ng ilang oras sa pagpila sa toll plazas.

Pinapayuhan din ang mga motorista na suriin muna ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe at siguruhing may sapat na pahinga upang makaiwas sa anumang aksidente.