-- Advertisements --

Natakasan ng NorthPort Batang Pier ang Barangay Ginebra 119-116 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.

Ito ang unang panalo ng Batang Pier laban sa Ginebra ng 14 na laro sa loob ng limang taon.

Huling nanalo kasi ang NorthPort ay noong Disyembre 14, 2019 sa Game One ng PBA Governor’s Cup semifinals.

Hinabol ng Batang Pier ang 18 points kung saan nagtulong-tulong sina Kadeem Jack, Arvin Tolentino at Joshua Munzon.

Nanguna sa panalo si Jack na nagtala ng 32 points at 16 rebounds habang mayroong 29 points si Tolentino.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 12 rebounds ni Justin Brownlee para sa Ginebra.