Inaasahang makapag acommodate ng higit sa isang milyong mga pasahero ang North- South commuter railway sa oras na maumpisahan ito.
Ang North- South commuter railway o NSCR rin kasi ang pinakamalaking railway project sa Pilipinas at ngayong araw nga ay nilagdaan na ang kasunduan sa kontrata para sa electromechanical systems at track works nito.
Ayon kay Philippine National Railways General manager Jeremy Regino, itong programa umano ng pamahalaan ay magbibigay daan sa mga Filipino commuters ng mabilis, ligtas at maginhawang access sa kanilang target na puntahan lalo na ‘yung mga malalayo.
Ipinaliwanag pa ni Philippine National railways General manager Jeremy Regino na ang proyekto ay magdadala sa madaling mobility at connectivity at ilang oras ang mababawas sa biyahe na magpapadali sa buhay ng mga commuters.
Samantala ang buong North-South commuter railway project ay magkakaroon ng kabuuang 35 stations na may 51 commuter train sets at pitong express train sets na tumatakbo sa linya ng riles nito.