-- Advertisements --

Patuloy na iiral ngayong araw ang northeasterly wind flow at easterlies na magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Ngayong araw ay asahan na ang maulap na papawirin hanggang sa pagkakaroon ng mahinang pag-ulan dahil sa northeasterly wind flow sa bahagi ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora.

Halos parehong lagay rin ng panahon ang iiral sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region dahil sa nasabing weather system.

Samantala, aasahan naman ang mainit at maalinsangang panahon sa nalalabing bahagi ng Pilipinas na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.

Pinapayuhan rin ng state weather bureau ang publiko na maging mapagmatyag sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng mga pag-ulan.

Wala namang namomonitor na low-pressure area at bagyo sa loob at labas ng PAR.