-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Binuksan nitong Miyerkules ang Northeastern Luzon Regional Scout Jamboree na unang kinansela dahil sa bagyong Jenny.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Melito Mayormente, camp director, sinabi niya na dahil maganda na ang panahon ay nagpasya na si City Mayor Joseph Tan na ituloy na ang Scout Jamboree.

Aniya, nagsidatingan na ang kanilang mga campers mula sa iba’t ibang council ng Boy Scout of the Philippines sa kanilang camp site sa Balintocatoc, Santiago City .

Nagsimula ng 3:00pm ang opening program upang matapos din sa araw ng Sabado ang gaganaping Jamboree.

Nasa 2,000 campers na ang dumating mual sa apat na libong inaasahan nilang dadalo.

Tiniyak naman niya ang kaligtasan ng mga campers dahil nakadeploy na ang mga pulis, barangay tanod na mula sa iba’t ibang barangay ng lunsod, mga kasapi ng Department of Public Order and Safety ng pamahalaang lunsod at mga boluntaryong grupo.

Malaki aniyang hamon ang panahon sa gaganaping Jamboree lalo na at may binabantayan nanamang Low Pressure Area o LPA subalit tiniyak niyang nakahanda ang LGU Santiago City.