-- Advertisements --
Nararanasan na umano ng Northern Gaza ang “full-blown famine” ayon sa United Nations World Food Programme.
Ayon sa American director ng UN World Food Programme na si Cindy McCain, ito raw ay base sa naobserbahan sa assessment ng ahensiya “on the ground.”
Nagbabala rin ito na patungo na rin ang krisis sa katimogang bahagi ng Gaza.
Dahil dito, nananawagan ang opisyal ng UN na magkaroon na ng ceasefire at papasukin nang ligtas ang mga humanitarian assistance.