CENTRAL MINDANAO – Todo pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Northern Kabuntalan, Maguindanao sa Bangsamoro Government dahil sa mga proyektong sunod-sunod na ipinagkaloob sa kanila.
Ayon kay Northern Kabuntalan Maguindanao Mayor Datu Ramil Dilangalen, bukod sa unti-unti ng naaayos ang mga sirang kalsada sa kanilang lugar ay magkakasunod rin ang mga proyektong alay ng Bangsamoro government sa mga residente ng bayan ng Northern Kabuntalan.
Dagdag ni Dilangalen, ginagawa nya rin ang lahat ng kanyang makakaya kasama buong sangguniang bayan members at ng kanyang bise alkalde na si Mary Jane Bayam upang maihatid sa kanilang mga kababayan ang tamang serbisyo.
Sa ngayon ay mas umunlad pa ang bayan ng Northern Kabuntalan sa pamumuno ni Mayor Ramil Dilangalen, pagtutulungan ng lahat ng sector at mga ahensya ng pamahalaan.