
Siniguro ng pamunuan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang buong suporta para sa mapayapa at maayos na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Northern Luzon.
Sa naging pahayag ni NOLCOM Commander Lieutenant General Fernyl Buca, sinabi nitong hihigpitan ng mga ground units ng AFP ang mga military surveillance sa kabuuan ng kanilang nasasakupan.
Ginawa ng heneral ang pahayag kasabay ng isinagawang Joint Peace and Security Coordinating Committee (JPSCC) Meeting sa headquarters ng NolCom sa Tarlac.
Sa naturnag pagpupulong, nagkasundo rin ang AFP at PNP na higpitan ang kanilang koordinasyon lalo na sa pagsasapinal ng deployment ng mga tauhan ng mga ito.
Nagkasundo rin ang dalawa na magkasama nilang babantayan ang mga lugar na itinuturing na may mataas na banta.
Maliban dito, tiniyak din ng AFP at PNP na bubuo ang mga ito ng contingency plan para sa transportation at communications issue na maaaring mabuo sa kabuuan ng paghahanda hanggang sa mismong araw ng halalan.