-- Advertisements --

Ibinabala ng state weather bureau ang posibilidad ng magdamag na pag-ulan sa Northern Luzon kasunod ng paglandfall ng bagyong ‘Ofel’.

Ang naturang pag-ulan ay inaasahang magpapatuloy hanggang bukas, Nobyembre 15.

Inaasahang makakaranas ng mahigit 200mm ng tubig-ulan ang mga bayan sa probinsiya ng Cagayan at Isabela.

Ang mga probinsya ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Mountain Province, Quirino, Aurora, at Kalinga naman ay inaasahang makakaranas ng mula 100 hanggang 200 mm ng tubig ulan.

Bukas ng hapon hanggang Sabado, inaasahang makakaranas din ng hanggang 200mm na tubig ulan ang mga probinsya ng Batanes, Northern Samar, Eastern Samar, at Sorsogon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na bantayan ang paabiso ng mga lokal na pamahalaan at sumunod sa mga advisory.