TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang paghahanda ng probinsya ng Northern Samar kaugnay sa epekto ng bagyong Ambo matapos na itinaas sa tyhoon signal number 1 ang silangan bahagi ng probinsya
Partikular na sa bayan ng Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Catubig, at Las Navas.
Ayon kay John Allen Berbon, tagapagsalita ng Northern Samar provincial government, na nagsagawa sila ng pre-disaster risk reduction assesment at inumpisahan din nito ang pagpreposition ng mga resources kagaya na lamang ng relief goods at ayuda para sa maapektuhan ng kalamidad
Patuloy din nitong inaalam kung paano ipapatupad ang evacuation areas sa mga residente na maapektuhan ng bagyong Ambo na kung saan masusunod pa rin nito ang quarantine protocols lalo na sa pagsunod sa social distancing
Mapapag-alaman na umaabot na sa 500 ang inisyal na bilang ng mga pamilya na target na i-evacuate papunta sa mas ligtas na mga lugar.