-- Advertisements --

Nagsasagawa ng serye ng mga patrol operations ang Philippine Coast Guard sa northern seaboard ng bansa, kasabay ng inaasahang pagdagsaan ng mga turista ngayong Semana Santa.

Ayon sa PCG – Northeastern Luzon, naka-deploy na ang mga personnel at mga kagamitan sa mga pangunahing pantalan at mga dalampasigan sa Northern Luzon upang mabantayan ang mga ito sa kabuuan ng Semana Santa.

Sakop ng naturang CG District ang northeastern seaboard ng bansa kung saan sa lahat ng mga pantalan at daungan ay nagtatag na ito ng mga healp desk upang tulungan ang mga turista. Nagsasagawa rin ito ng pre-departure inspection at K-9 panneling sa mga pantalan bilang bahagi ng security plan ng nito.

Naka-standby din ang Deployable Response Group (DRG) ng naturang CG district upang kaagad makatugon sa anumang emergency situation na maaaring mangyari sa kasagsagan ng Semana.

Maliban sa mga daungan, babantayan din ng PCG ang mga beach resort at mga dalampasigan na inaasahang dadagsain ng mga lokal at dayuhang mga turista.

Kasalukuyang nasa heightened alert ang PCG kung saan lahat ng district office, station, at mga sub-station ay tuloy-tuloy na magbabantay sa kabuuan ng Mahal na Araw.

Magpapatuloy ito hanggang Abril-20 kung kailan inaasahang magsisipagbalikan na ang mga turista at mga biyahero sa mas malalaking syudad tulad ng Metro Manila.