-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang depensa ng NorthPort para tuluyang talunin ang Phoenix Super LPG 124-120 sa nagpapatuloy na PBA Season 48 Philippine Cup.

Mayroong pitong manlalaro ng Batang Pier ang nagtala ng double digit sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo si Cade Flores na nagtala ng 21 points at 12 rebounds.

Mayroon naman ng 18 points ang naitala ni Zavier Lucero, tig-17 points naman sina Jeff Chan at Joshua Munzon, 15 points Arvin Tolentino, 13 points si Fran Yu at 11 points ang naitala ni Paul Christian Zamar.

Ikinatuwa naman ni NorthPort coach Bonnie Tan ang nasabing panalo ng koponan dahil gumana ang plano na paigtingin ang depensa.

Nasayang naman ang nagawang 28 points at pitong rebounds ni Jason Perkins para sa Phoenix SuperLPG